Pinansyal Na Abiso Na Sana Ay Nalaman Ko Noong Ako Ay 20’s

Pinansyal Na Abiso Na Sana Ay Nalaman Ko Noong Ako Ay 20’s

|

Ang iyong 20s ay maaaring isa sa mga pinaka-hindi malilimutang mga oras nang iyong buhay. Pagkatapos ng lahat, nagsimula ka nang magka-trabaho, may kaunting responsibilidad at sa wakas ay may isang sariling kinikita. Gayunpaman, kahit mayroon kang kalayaan bilang isang kabataan, maaari itong magkaroon nang ilang mga makabuluhang epekto sa pinansiyal na maaaring makapinsala kung hindi ka maingat.

Para sa sinuman na nagsisimula pa lamang sa paglalakbay na ito, narito ang pinansiyal na payo na dapat ay sinunod ko noong nakalipas na panahon.

Huwag Ilaan Ang Kalahati Ng Sahod Para Makipag-Salimuha

Gawain ng mga milenyo na makipag-salimuha sa kanilang mga kaibigan at kumain sa mga mamahaling restaurant at bar. Habang tama naman na gumastos ng pera sa isang mamahaling pagkain paminsan-minsan, huwag namang gawing gawi ito o na kumain sa mga mamahaling restaurant nang dalawang beses sa isang linggo. Ang pera na ginugugol sa pakikisalamuha ay tila hindi nakokontrol ng marami, at kailangan nilang simulan ang pagputol nang ganitong gawi upang makapag-save ng marami mula sa kinita.

Gumawa Ng Badyet At Manatili Dito

Kapag mayroon kang badyet, maaari mong maipagkaiba ang iyong mga pangangailangan at kagustuahan. Halimbawa, ang pagbabayad ng upa ay isang pangangailangan. Ngunit ang pagbili ng mahal na pulang damit na maaari mong isuot sa isang hindi pa natutukoy na okasyon ay isang kagustuhan. Kung hindi ka magba-badyet, hindi ka makakapagtabi ng pera para sa mga bagay na iyong mas kailangan at sa halip ay magagastos mo lang ito sa mga bagay na gusto mo lang. Ang pagi-invest ay may mga highs and lows, pero habang bata ka pa, maaari mong maenjoy pa ang mga magandang maidudulot nito. Kung hindi ka magaling maghawak ng pera, kumuha ng propesyonal na payo kung paano ka makakapag-invest nang matalino upang makakuha ka ng mahusay na pagbalik sa oras na ikaw ay magreretiro.

Simulang Nang Mag-Ipon Habang Mas Maaga

Ang pinakamadaling paraan upang ma-secure at mapabuti ang iyong pinansiyal ay ang pagi-ipon nang mas maaga. Maaari merong kang binabayarang utang, pero hindi ibig sabihin ay hindi ka na makakapagtabi nang kahit konti sa isang buwan. Hindi mo alam kung kakailanganin mo ng pera sa isang hindi inaasahang aksidente, kaya kailangan mo nang simulan ang pag-save sa mas lalong madaling panahon.

Huwag Bumili Ng Bagay Na Hindi Mo Kayang Mabayaran Kaagad

Kapag nakuha mo na at nahawakana ang iyong credit card, napakahirap na talagang kontrolin ang iyong mga impulses. Ang mga magagandang bagay na nakikita mo sa iyong mga kaibigan ay talagang nakakatukso, pero subukan mo maging kuntento. Maari kang bumili ng bagay na gusto mo kung may kakayahan ka nang bayaran ito ng buo. Kabilang dito ang pagba-bakasyon sa ibang lugar, marami ka pang panahon para mapuntahan ang mga ito at tiyak na may sapat na pera ka na sa panahon na iyon. Gamitin ang iyong credit card nang mas matalino at ugaliing bayaran ang mga natitirang balanse nang mas maaga. At kung hindi mo kayang bayaran ang balanse, h’wag gamitin ang iyong credit card.

Mag-ipon Para Sa Mga Kaganapan Sa Buhay

Itigil na ang pagpapa-impress sa iyong kasintahan at h’wag silang sanayin nang mga mamahaling regalo o pagakin. Marahil ay hindi mo din kailangan ng mamahalin na sasakyan o malaking bahay. Kapag mayroon ka ng sariling pamilya at anak, kailangan mong magtipid para sa mga okasyon kagaya ng kasal, kaarawan ng anak, edukasyon, at iba pa. Magandang praktis din ang pagkakaroon ng hiwalay na account na nakalaan para sa mga kaganapan sa buhay.

Huwag Umasa Sa Isang Pinagkakakitaan Lamang

Alamin ang iba’t ibang paraan para kumita upang mas marami sayong pumasok na pera. Sa ganitong paraan, makatitiyak ka na mayroon kang pera na gugulin mo para sa iyong mga pangangailangan. Kumita ng pera sa pamamagitan ng pag-gamit ng iyong talento, kasanayan, kaalaman, o kahit na iyong libangan lang. Maaari ka ring kumita habang nagtatrabaho mula sa bahay.

Huwag Munang Bumili Ng Sasakyan (kahit na maykakayahan kang bayaran ito)

Ang isang kotse bagaman ay maginhawa, ay hindi pa din pinakamahusay na bagay na dapat bilhin habang ikaw nasa sa iyong unang bahagi ng 20 na taon. Ito ay hindi isang magandang investment maliban kung gagamitin mo ito para mapagkakitaan. Lumiit ang kahalagahan ng isang kotse, ito ay nangangahulugan na kapag nagamit mo na, ito ay awtomatikong bababa ang halaga kaysa sa iyong binayaran. Hindi lamang iyon, ang kotse din ay mahal mapanatili ang fuel, insurance, maintenance, at iba pa.

Huwag Panatiling May Utang

Ang pagkakaroon ng palaging utang ay hindi maganda. Iwasan ang pag-utang gamit ang credit card, kung kailangan mo ng credit card para bumili ng isang bagay (lalo na kung hindi mo naman ito kailangan), mas maige na h’wag mo na lang ang itong bilhin. At kung gagamit ka ng credit card, bayaran mo ito ng buo sa loob ng isang buwan.

Maging Malusog

Bilang isang bata, malamang ay naaabuso mo na ang iyong katawan ng walang kamalayan. Ngunit alamin na ang pagkain ng mga junk food, paninigarilyo, ang pag-inom ng alak ay maaring humantong sa malaking problema na kakailanganin ng malaking pera. Mainam na gumagwa ng mga hakbang para maalaagan ang kalusugan.

Sa buod, siguraduhin mong simulan ang paggawa nitong 9 na matalinong gawi sa pera ngayong nasa unang bahagi ka ng iyong 20s. Ang pagsunod sa mga gawi na ito ay makakatulong sayo upang makamit ang seuguridad sa pera.

    WHAT TO READ NEXT

  • Paano Protektahan Ang Iyong Sarili Mula Sa Pandaraya

    READ MORE
  • Ano Ang Loan At Mga Dapat Mong Malaman Tungkol Dito

    READ MORE

Search Our Blogs