Paano Protektahan Ang Iyong Sarili Mula Sa Pandaraya

Paano Protektahan Ang Iyong Sarili Mula Sa Pandaraya

|

Ang mga fraudster ay mas nagiging matalino at sinasamantala ang bagong teknolohiya, mga bagong produkto o serbisyo at mga pangunahing kaganapan upang lumikha ng mga kuwento para kumbinsihin kayo na na ibigay sa kanila ang mga personal na impormasyon o detalye. Marahil ay nakatanggap ka ng ilang mga mapanlinlang na email, hindi siguradong mga tawag sa telepono, mga pekeng online na ad, mga questionable post sa mga social networking site o isang tao na kumatok sa inyong pinto? Kadahilanan kung bakit gusto naming magbigay sa inyo ng mga hakbang upang turuan ang iyong sarili na iwasan ang mga fraudster. Sa pamamagitan ng kaalaman sa mga pinakabagong mga pandaraya at kung paano mapapanatiling ligtas ang iyong impormasyon, maaari mong maprotektahan ang iyong mga pananalapi.

Narito ang ilang mga hakbang na maaari mong gawin upang protektahan ang iyong sarili mula sa mga mandadaya at frauds.

Maging Paperless At Gupit-Gupitin Ang Mga Dokumento

Madalas mo bang itapon ang iyong mga bills at statements sa basurahan? Maghinay-hinay at maglaan ng oras para gupit gupitin ang mga ito bago itapon. Maaari kang makakuha ng mga basic na shredder at ito ay talagang isang kapakipakinabang. Ang isa pang bagay na pwede mong magawa ay ang maging paperless. Ito ay hindi gaanong isinasagawa pero maaaring mabawasan ang mga dokumento mong papel kung gagawin mo ito.

Gumawa Nang Mas Mahirap Na Password

Ang isa pang bagay na minsan ay guilty tayo o madalas – gumawa nang passowd na naglalaman ng detalye ng asawa, pangalan ng anak o kaarawan. Huwag nang gawin ito! Maaring mahirap tandaan ang iba’t ibang password, lalo na kung ramdon ito na nabuo, ngunit dapat ito ay isaalang-alang.

Tip: Gawin ang iyong password ng isang parirala, hindi lamang isang salita. Halimbawa, “Maligayang Kaarawan 1” sa halip na isang salita. Ang lahat ng haba, puwang, at numero ay ginagawang mas ligtas ang iyong password.

Panatilihing Kumpidensyal Ang Personal Na Impormasyon

Huwag magbigay ng personal na impormasyon sa telepono, o sa pamamagitan ng email at sa internet maliban lang kung ikaw ang nagsimula ng ugnayan na iyon o kilala mo ang iyong pinakikitunguhan. Huwag isama ang personal na impormasyon tulad ng mga detalye ng credit card, hindi naka-encrypt na email o magpasok ng mga ito sa isang hindi naka-encrypt na website, bilang hindi ligtas ang iyong impormasyon.

Subaybayan Ang Iyong Financial Statement

Isa sa mga pinakamahalagang bagay na maaari mong gawin ay subaybayan ang iyong mga pinansiyal na pahayag. Kabilang dito ang pagtingin sa mga pahayag ng bank at credit card nang regular, at pagkuha ng isang kopya ng iyong credit report tuwing 3-4 na buwan. Tiyaking sinusubaybayan mo iyong mga account bawat ilang araw, o mas madalas lalong lalo na kung busy shopping season. Siguraduhing makipag-ugnayan kaagad sa customer service nang iyong bangko kung makita mo ang anumang mali o di-awtorisado. Maaari ka ring mag-sign up para sa mga alerto sa iyong credit card account at bank account upang malaman mo kaagad kapag may isang bagay na hindi tama. Kung makakakuha ka ng isang alertong pandaraya mula sa iyong bangko, maaari ka kaagad kumilos.

Suriin Ang Iyong Mga Resibo

Siguraduhin na ang iyong mga resibo ay tumpak sa mga serbisyong iyong natanggap o ang mga supply na iyong nakuha. Tiyakin din na ang halaga ay tama at na ang resibo ay inisyu ng supplier na nag-render ng serbisyo. Kung ang anumang impormasyon ay tila hindi tumpak, huwag mag-atubiling banggitin ito sa iyong tagapagtustos. Dapat mo ring panatilihin ang iyong mga orihinal na resibo, o isang kopya ng mga ito, para sa isang 12-buwang tagal ng panahon.

Mag-ingat Sa Anumang Mga Kahilingan Para Sa Iyong Mga Detalye O Pera

Huwag magpadala ng pera o magbigay ng mga detalye ng credit card, mga detalye ng online account o mga kopya ng mga personal na dokumento sa sinuman na hindi mo alam o pinagkakatiwalaan. Huwag sumang-ayon na maglipat ng pera o mag kalakal para sa ibang tao: Ang money laundering ay isang kriminal na pagkakasala.

Makipag-usap Sa Iyong Mga Mahal Sa Buhay Tungkol Sa Mga Fraudster

Ang mga fraudters ay walang pinipiling status, edad, at kahit na ang mga taong may pinagaralan ay nabibiktima nito. Gayunpaman, ang mga eksperto ay nagbababala na ang ilang grupo tulad ng mga nakatatanda, bata at kabataan ay karaniwang mas mahina sa ilang uri ng pandaraya. Ang solusyon? Kausapin ang mga miyembro ng iyong pamilya at mga kaibigan tungkol sa pandaraya at kung paano maiiwasan ito. Maaari ka ring magkaroon ng mga diskarte na maaaring sundin ng lahat.

    WHAT TO READ NEXT

  • Paano kontrolin and iyong paggastos

    READ MORE
  • Masamang Gawain Sa Pera Na Dapat Sirain Para Makabuo Ng Mas Saganang 2018

    READ MORE

Search Our Blogs